">

Tuesday, September 20, 2011

isang tula alay sa aking Ama

ALA-ALA NI PAPA
(isang tula para sa aking yumaong ama)


pinalaki kami tahimik at maayos na pamilya
sa munting bahay na puno ng saya
di magawang magalit kahit inis na siya
lalo na kay mama pag kami'y pinapagalitan na.

lumipas ang panahon kami'y malaki na
siya namang paghina ng aming papa
sakit na nararamdaman ayaw ipadama
di namin alam siya pala ay malala na.

buong pamilya lungkot ang nadama
dahil alam naming iiwan na kami ng aking ama
lalo na ako na di ko man lang naipakita
pagmamahal at pag-aaruga noong siya'y malakas pa.

pumanaw man ang aking ama
mabuting alaala iniwan sa aming pamilya
tapat na ama mabuti sa mga anak niya
di ko man lang nasabi bilib ako sa kanya.

umiiyak ako tuwing naalala ko siya
di ko man lang naibahagi tagumpay na nadarama
isang ama na kapiling mo sa hirap at ginhawa
di mo bakas ang hirap mabuhay lang ang pamilya.

sa buhay ko malaking bahagi siya
lahat na tagumpay alay ko sa kanya
alam kong kapiling na niya ang may likha
ipinagdarasal na patnubayan naiwang pamilya.

maraming salamat sa iyo aking ama
sa magandang aral at buhay na pakumbaba
sa tamang landas sana ay matularan ka
sa aming buhay laging kapiling ka!

handog kay AMA !

Pagsintang kaytamis na alay mo kay Inang
Lambing at pagsuyo na aming nagisnan
Ikaw ang haligi na aming sandalan
Ito'y naging gabay sa patutunguhan.

Sa pakikibaka sa unos ng buhay
Mataas na tugatog, siya mong kapantay
Sa araw at gabi lagi kami iyong bantay
Magpahanggang ngayo'y ala-ala naming taglay.

Ang iyong pighati'y aking naramdaman
Sa iyo ay idinulot namin ay kabiguan
Binuong pangarap na 'di mo nakamtan
Ngunit pagmamahal mo'y hindi nabawasan.

Dakila ka o ama, wala kang katulad
Sa anomang pagsubok, saan ka man mapadpad
Bigyan kami ng ligaya, ito ang iyong agap
Itaguyod kami ay siyang tangi mong pangarap.

Pagsapit ng hapon, pagod ay 'di alintana
Makamtan lamang namin ang iyong pagkalinga
Ngiti sa iyong labi, puso ay mapayapa
Kami nga sa buhay mo siyang iyong panata.

Mahal kong ama aming naging sandigan
Sa iyo nga ay utang yaring aming buhay
Kulang man po itong aking iniaalay
Inyo pong tanggapin, muli'y inyong pun-an.

Mga papuri kong hindi nga mabigkas
Bukal sa damdamin 'di nga mailabas
Ngayon ay ibig kong isigaw ng malakas
Pag-ibig ko sa 'yo buo't anong wagas!

Sunday, September 11, 2011

>> AKING AMA ...






noong ako ay umuwi
kalungkuta'y napawi
sapagkat sabik ng todo-todo
na makita't makapiling kayo

ngunit sa aking pagbabalik
tila nawala ang pagkasabik
nang marinig ang balita ng ina
na kalagayan ng aking ama'y malubha

sa ospital agad na tumungo
upang malaman ang kondisyon mo
at doon nasaksihan ko
ang lahat ng paghihirap mo

luha ko'y agad na tumungo
di mapigil ng kahit na sino
puso ko'y nagmamakaawa
na pakiusap pagalingin mo siya Diyos Ama !

noong ako'y iyong hinagkan
at sinabing ika'y babawi paglabas riyan
hinihiling na sana'y matapos na nga
ang nararanasan mong pagdurusa

kahit na konting sandali
hindi umalis sa iyong tabi
kahit na ako'y nasasaktan
tuwing ika'w dumadaing na nahihirapan

nung dumating si ina
bakit tila naghabilin ka na
hiniling mo na sana'y alagaan
kami ng aming ina't ingatan

maya-maya ipinaalam nila sa akin
na nag-aagaw buhay ka na't di mo na kakayanin
sumigaw ako't umiyak sa harap nila
pagkat hindi na talaga kaya ang sakit na nadarama

nang ika'y aking sinilip
puso ko'y naninikip
bumubulong ng mga panalangin
sana naman ito'y dinggin

habang ako'y naghihintay
katawan ko'y nananamlay
sana naman wag mawala
ang aking minamahal na ama!

ngunit sa isang iglap,
bumagsak aking mga pangarap
kung saan kabilan ka
pagkat dito ika'y mahalaga

oh aking Ama bakit ka sumuko?
hindi mo tinupad ang iyong pangako
na ika'y lalaban at kakayanin ito
para kay inay at sa aming mga anak mo

lubos na napakabilis ng mga pangyayari
pakiramdam naming lahat hindi mawari
parang kanina'y yakap lang kita
eto ngayon ika'y nakahimlay at namamahinga na!

lahat kami'y nagdamdam at lumuha
pagkat ayon sa doktor magagawa'y wala na
ngayon ang dapat na lamang gawin
pagakasawi mo'y tanggapin

maya-maya ika'y nilapitan
lubos na nahabag sa iyong kalagayan
ikaw aking hinalikan sa noo
tanda ng pagmamahal ko sayo !

sa iyong pagkalibing
kalungkutan nami'y dinadaing
pagaka't talagang napakasakit
na mawalan ng amang kaybait

ngayon takbo ng buhay namin nabago
pilit na tinatanggap pagkawala mo
ang kalimutan ka'y hindi madali
pagkaulila'y hindi makubli

kung saan ka man ngayon
sana'y magaing masaya ka doon
mahal na mahal ka namin PAPA !
yan sana ang tandaan mo wala ng iba ...