">

Sunday, September 11, 2011

>> AKING AMA ...






noong ako ay umuwi
kalungkuta'y napawi
sapagkat sabik ng todo-todo
na makita't makapiling kayo

ngunit sa aking pagbabalik
tila nawala ang pagkasabik
nang marinig ang balita ng ina
na kalagayan ng aking ama'y malubha

sa ospital agad na tumungo
upang malaman ang kondisyon mo
at doon nasaksihan ko
ang lahat ng paghihirap mo

luha ko'y agad na tumungo
di mapigil ng kahit na sino
puso ko'y nagmamakaawa
na pakiusap pagalingin mo siya Diyos Ama !

noong ako'y iyong hinagkan
at sinabing ika'y babawi paglabas riyan
hinihiling na sana'y matapos na nga
ang nararanasan mong pagdurusa

kahit na konting sandali
hindi umalis sa iyong tabi
kahit na ako'y nasasaktan
tuwing ika'w dumadaing na nahihirapan

nung dumating si ina
bakit tila naghabilin ka na
hiniling mo na sana'y alagaan
kami ng aming ina't ingatan

maya-maya ipinaalam nila sa akin
na nag-aagaw buhay ka na't di mo na kakayanin
sumigaw ako't umiyak sa harap nila
pagkat hindi na talaga kaya ang sakit na nadarama

nang ika'y aking sinilip
puso ko'y naninikip
bumubulong ng mga panalangin
sana naman ito'y dinggin

habang ako'y naghihintay
katawan ko'y nananamlay
sana naman wag mawala
ang aking minamahal na ama!

ngunit sa isang iglap,
bumagsak aking mga pangarap
kung saan kabilan ka
pagkat dito ika'y mahalaga

oh aking Ama bakit ka sumuko?
hindi mo tinupad ang iyong pangako
na ika'y lalaban at kakayanin ito
para kay inay at sa aming mga anak mo

lubos na napakabilis ng mga pangyayari
pakiramdam naming lahat hindi mawari
parang kanina'y yakap lang kita
eto ngayon ika'y nakahimlay at namamahinga na!

lahat kami'y nagdamdam at lumuha
pagkat ayon sa doktor magagawa'y wala na
ngayon ang dapat na lamang gawin
pagakasawi mo'y tanggapin

maya-maya ika'y nilapitan
lubos na nahabag sa iyong kalagayan
ikaw aking hinalikan sa noo
tanda ng pagmamahal ko sayo !

sa iyong pagkalibing
kalungkutan nami'y dinadaing
pagaka't talagang napakasakit
na mawalan ng amang kaybait

ngayon takbo ng buhay namin nabago
pilit na tinatanggap pagkawala mo
ang kalimutan ka'y hindi madali
pagkaulila'y hindi makubli

kung saan ka man ngayon
sana'y magaing masaya ka doon
mahal na mahal ka namin PAPA !
yan sana ang tandaan mo wala ng iba ...


No comments:

Post a Comment