Pagsintang kaytamis na alay mo kay Inang Lambing at pagsuyo na aming nagisnan Ikaw ang haligi na aming sandalan Ito'y naging gabay sa patutunguhan. Sa pakikibaka sa unos ng buhay Mataas na tugatog, siya mong kapantay Sa araw at gabi lagi kami iyong bantay Magpahanggang ngayo'y ala-ala naming taglay. Ang iyong pighati'y aking naramdaman Sa iyo ay idinulot namin ay kabiguan Binuong pangarap na 'di mo nakamtan Ngunit pagmamahal mo'y hindi nabawasan. Dakila ka o ama, wala kang katulad Sa anomang pagsubok, saan ka man mapadpad Bigyan kami ng ligaya, ito ang iyong agap Itaguyod kami ay siyang tangi mong pangarap. Pagsapit ng hapon, pagod ay 'di alintana Makamtan lamang namin ang iyong pagkalinga Ngiti sa iyong labi, puso ay mapayapa Kami nga sa buhay mo siyang iyong panata. Mahal kong ama aming naging sandigan Sa iyo nga ay utang yaring aming buhay Kulang man po itong aking iniaalay Inyo pong tanggapin, muli'y inyong pun-an. Mga papuri kong hindi nga mabigkas Bukal sa damdamin 'di nga mailabas Ngayon ay ibig kong isigaw ng malakas Pag-ibig ko sa 'yo buo't anong wagas! |
◄ bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo, bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba? =( ►



















Tuesday, September 20, 2011
handog kay AMA !
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment